Ang ganda ng panalo ng NT natin against Hongkong... Pagkatapos tayo maiwanan sa 2nd qtr ng halos 20 points, nakabawi ang mga shooters natin sa 3rd qtr sa pangunguna ni Pinongan... Pagpasok ng 4th qtr naging dikit na ang laban... Hanggang sa last minute nakalamang pa ang Hongkong... Buti na lang, maganda yung mga clutch shots nina Maravilla at ang nagpapanalo sa atin na tira ni Gabunas na buzzerbeater...
After ng game natin na yon, tied tayo sa Autralia with 3-1... Triple tie naman yung mga kasunod natin na teams with 2-2... After ng round na ito, ang top 2 teams from each pool ay makakapasok sa semifinals ng Asian Championship... Malaki ang chance natin kasi number 2 na tayo... We just have to win the next game para sure na ang pagpasok natin... But if we loose, baka hindi na tayo makapasok dahil matatalo tayo sa point differential...
Ang susunod na kalaban natin ay Japan... Isa din silang malakas na team... Nanalo na tayo sa kanila sa 1st round pero sobrang dikit lang ng naging laban... Isa din sila sa tumalo sa Hongkong na considered na power house na team... We win this game, pasok na tayo sa semis... If we loose, sa 2nd chance qualifier na lang siguro tayo...
Kung may suggestions po kayo kung anong magandang gawin natin na tactics laban sa Japan, feel free po to post dito sa thread or PM nyo na lang po ako... Kailangan na kailangan natin ang panalo sa Monday...
Salamat po...
Go Team Pilipinas!