Para kay zenningš:
1. Sinu-sino ang miyembro (o balak mong isali pag nanalo ka) ng staff mo ngayon?
2. Paano mo ibabalik ang interes ng komunidad?
Magandang Araw!
1. Gaya nga ng sabi ni Kobe-LA, handa na ang staff ko. Nung nagsimula ang Season 17, nagsimula na din ang unang P ng
Programang PPP. Kung titingnan mo ang BB-Stat.org nasimulan na ang pagforce update sa mga leagues ng BB Pilipinas. Sakaling papalarin ako at manalo, pormal kung ilalahad ang magiging kasapi ng NT Staff.
2. Unang gagawin natin para manumbalik ang interes ng kumunidad sa Pilipinas NT ay ang pagkakaroon ng weekly news update patungkol sa mga sa Pilipinas NT. May napipisil na akong pwede maatasan sa gawaing ito. Ito ay maaring run down sa nakaraang laro, o featured player of the week para mas makilala natin ang mga player ng NT at pati na din sa may-ari ng player. Kung palaging may news update sa BB forum makakapagdulot ito ng pagpanumbalik sa sigla ng ating NT. Ang pagkakaroon natin ng "offsite", na maaring sa fb, doon magkakaroon tayo ng say about sa pagpapalakad sa NT Pilipinas.