Pormal ko pong inihahayag ang aking pagtakbo upang maging tagapamahala ng ating pambansang kuponan. Ako po si Basketmaniacs. Punong-tagapamahala ng kuponang zenningš. Ito po ang pagpapatunay na seryoso ang aking hangarin na maging Coach ng BB Pilipinas NT. Kung ako man ay palarin at sa akin ninyo ipagkatiwala ang ating Pambansang Kuponan, ang aking magiging pamamahala ay tututok sa tatlong batayan na tatawagin nating Programang PPP.
Paglinang sa Kabataan – Sa aking pananaw, hindi lang sa U21 Coach nakasalalay ang pagtuklas at paggabay sa pagsasanay ng mga labingwalong taong gulang na manlalaro. Bagkus kasama na din ang Coach at Staff ng NT dito. Dahil nakasalalay dito ang pagkakaroon natin ng malakas na manlalaro para sa NT. Kung papalarin, magiging mas aktibo ang NT Staff sa aspetong ito.
Pamamalakad na Bukas – Isa sa isusulong ko ang pagiging bukas sa kumunidad ng BB Pilipinas kung ano man ang aktibidad ng NT. Sa tulong ng aking Staff bubuo tayo ng isang “off-site” kung saan doon na lahat mailalagay ang mga datus ng mga manlalaro ng NT. Doon mapag-uusapan ang gagawing deskarte sa laro. Doon mapag-uusapan ang scouting sa kalaban. At kung mapagkasunduan pati na din ang sa U21 ay doon na din. Dahil ang NT ay hindi lang para sa kung sino ang nahalal, kung hindi ay para ito sa lahat ng pinoy na aktibong naglalaro ng BB.
Pagbabalik ng Interes ng Kumunidad – Dahil na din siguro sa kulang sa impormasyon ukol sa aktibidad ng NT kaya parang naging matamlay na din ang interes ng kumunidad natin dito. Ito po ang isa sa magiging puntirya ng aking pamamahala. Ang ilapit sa mga Pinoy BB Managers ang ating NT.
Kung aking mararapatin, batid ko na hindi pa ito ang panahon para makita nating namamayagpag ang BB Pilipinas NT sa World Championships, o kahit man sa Asian Continental Championships (dahil andyan ang China). Malaki talaga ang agwat sa atin lalo na ng mga dambuhalang bansa. Pero dito na natin simulan. Ito na ang magiging pundasyon. Kung ang buong kumunidad ay makikilahok, makakaya din natin.